Ang totoo niyan hindi ko alam kung paano ko gagawin at sisimulan ang pinaka una kong blog dito. Ang balak ko lang naman talaga sana ehh gawing personal diary itong blogspot na ito tungkol sa mga pangyayari sa aking personal na buhay at siyempre ang aking makulay na buhay pag-ibig...

It's actually a little bit frustrating/unsatisfactory on your part because my first blog will be this boring. I'm not actually feeling good right now...>_<...But I assure you that this will not happen again in the near future...So please bare with me this time...
For the meantime, let me just introduce my self, or give you some idea about my personality...
OOppps, pwedeng skip nalang natin yang part na yan?? Wala pa akong maisip na magandang concept para sa topic na yan ehh. Hindi ko rin alam kung English ba dapat o Filipino ang gagamitin kong lenggwahe ehh...
I didn't also know if I should do this in a serious manner or should I make it with a twist of comedy??
OOppps, pwedeng skip nalang natin yang part na yan?? Wala pa akong maisip na magandang concept para sa topic na yan ehh. Hindi ko rin alam kung English ba dapat o Filipino ang gagamitin kong lenggwahe ehh...
I didn't also know if I should do this in a serious manner or should I make it with a twist of comedy??
Bakit kaya sa tingin ninyo nauuso ang pag gawa ng mga blog?
Hindi naman sila kumikita para sa mga storya o kuro kurong inilalagay nila diba??
Ito ang TOP 5 na sagot ko sa tanong na iyan:
- Sa tingin ko naiinggit lang yang mga yan. Marami kasing napapabalita sa TV na sumisikat dahil sa mga blog nila diba?! Sabagay, isa yan sa mga karakter ng mga Pilipino na hindi mawala wala sa sistema natin. Kung ano ang meron kay Pedro, gusto ni Juan meron din siya. Ehh paano naman si mang BORLOG?? Siyempre gusto ko rin, Pilipino din ako ehh :)
- Walang magawa sa Buhay. Ginugugol nalang ang panahon sa pag iimbento ng kung anu anong kwento. Mabuti nga naman yun. Kesa naman ubusin mo oras mo sa paglalaro ng DOTA. Naku IMBA, sapul si kuya sa nabasa niya :)
- Nagpapasikat lang yan. "Uy ohh may blog ako, visit nyu naman marami kayong makikita dun." Anong makikita mo? Mga salitang ikaw lang ang nakakaintindi? Pati nga sa mga blog nauso na ang jejemon ehh.JEJEJE!!! WER N U? HERE N ME...ohh diba? Siyempre pinagyayabang nila yung mga kabalbalan na pinag gagagawa nila. Wala namang sense tulad ko :)
- TECHY/ TECHIE/ TEKI WORLD... Hindi ko alam kung ano ang tamang spelling para sa term na yan ehh. Sa panahon natin ngayon hindi ka in pag wala kang Slide, hindi sliding door ahh, siyempre slide to unluck (i-phone) BBM (Blackberry) sa mga nakakatanda po ng konti lang naman diyan, hindi po pagkain o prutas ang blackberry, patnubay po ng mga kabataan ang kailangan ninyo diyan, (facebook), (twitter), (friendster) pero hindi ko alam kung meron pa yan, diyan ako una sumabak ehh, (at siyempre mga blogsites) ang lugar para sa mga feeling genius, frustrated journalists, at mga nag gagaling galingan lamang po :)
- at ang huli naman, ito lang siguro ang maganda sa sasabihin ko. ANG PASSION sa pagsulat (type pala ang ginagamit dito) ang pagkahilig sa pagsasalaysay ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng BLOG.
kung sa tingin ninyo may kabuluhan itong nabasa ninyo, payong kaibigan lamang po, magpatingin na po kayo sa spesyalista. Baka may problema na rin po kayo sa pag iisip tulad ko :)
At kung sa tingin naman ninyo ehh nasayang lang ang oras ninyo sa pag basa nito... Congratulations poh, MATINO pa ang isip ninyo :)
Siguro hanggang dito nalang muna sa ngayon, pero wag po kayong mag alala, magbabalik pa naman si mang BORLOG, Feel free pong mag iwan ng comento o kahit na ano pang bagay yan, kung cash naman po ang iiwan ninyo, pag usapan natin yan :)
and please do add me up on facebook http://www.facebook.com/borlog06?ref=tn_tnmn
and help me also in widening my scope of friends in this community...
THANK YOU FOR YOUR TIME ...^_^...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento